Pages

Thursday, December 31, 2009

Hack PSP 3000

Para lamang po ito sa mga PSP3000 na may 5.03 firmware.
Kung hindi pa 5.03 ang firmware mo, download ka muna ng update.

Download 5.03 OFW

1. Idownload ang PSP3000 Hack Tools sa baba.

Download PSP3000 HackTool

2. iconnect ang PSP sa computer. iExtract ang folder, at sundan ang step sa baba.

- ilagay ang EGGHUNT.BIN at H.BIN sa root ng inyong MEMORY STICK.



- ilagay ang ChickHEN folder sa loob ng PICTURE folder ng inyong MEMORY STICK.



- ilagay ang PSP 3K folder sa PSP/GAME/ directory ng inyong MEMORY STICK.



- idisconnect ang PSP.

3. Pumunta sa PHOTO folder ng inyong PSP, hintaying lumabas ang icon na itlog sa box bago ienter.



- kapag nag hang ang PSP, hayaan lang ito hanggang sa magshutdown ng kusa, normal lang yon. Ulitin lang ulit ang Step3.
- malalaman na succesful ang run ng ChickHEN kapag may nagflash na GREEN sa screen mo, huwag pumindot ng kahit ano, hintayin lang na kusa itong magreboot.

4. Kapag nag reboot na ang PSP, icheck sa System information kung naging 5.03 ChickHEN ang inyong firmware.



5. Pumunta sa GAME at pindutin ang PSP 3000, sundan lang ang lalabas sa screen.
Hintayin magreboot ng kusa ang PSP.

Pag nagreboot na ang PSP, icheck ang System Information kung naging 5.03 m33-6, kapag ganyan ang lumabas, pede ka nang makapaglaro ng ISO at CSO games.

Ingatan lamang na wag madrain ang battery o ishutdown dahil uulitin mu ulit ang pag hack ng PSP mo.

Ilagay lamang sa Stand-By mode ang PSP kung hindi gagamitin.

---

* Pwede ring ipalit sa ChickHEN ang MHUspeed. Same procedure lang din.
Ilagay lang ang SPEED.BIN sa root ng MEMORY STICK, at yung laman ng PICTURE folder ilipat sa PICTURE folder ng MEMORY STICK mo.

Dowload MHUspeed 3

* At ung PSP 3K na folder sa loob ng PSP 3000 Hack Tools pedeng palitan ng 5.03GEN-C firmware.

Download 5.03GEN-C

Xplora - PSP File Manager

Kung naghahanap ka ng magandang File Manager para sa PSP mo, i highly recomend na Xplora ang gamitin mo, very easy to use, very nice interface at eto ang mga function niya.

- text editing
- viewing PSP system information like CPU Temp, PSP board type, free RAM, CPU Speed, battery info
- reboot / shutdown / standby function
- zip / rar manager
- file renaming (including file extensions)



*Keys

O - menu
/\ - back
hold [ ] + up / down - scroll
X - enter

Download Xplora 1.8

CTF vs PTF Themes

May dalawang klase ng theme na ginagamit sa PSP, ang CTF at PTF.

*PTF Themes

- ito yung mga themes na .ptf yung file extension.
- kadalasan nasa 50kb - 200kb lang ang size ng theme na ito dahil XMB icons lang at ang background ang naiiba.
- hindi na tayo gumagamit ng CXMB PLUGIN para paganahin ang mga themes na ganito.





*CTF Themes

- kelangan natin gumamit ng CXMB PLUGIN para magamit natin ang mga themes na ganito.
- .ctf ang file extension.
- kadalasan naglalaro sa 1mb - 5mb o higit pa ang size ng isang CTF na themes.
- naiiba ang mga icon, naiiba ang wallpaper o background, napapalitan ng bagong font, nababago ang game boot at ang start up logo, may custom sound at paminsan ay may mga nadadagdag na menu sa XMB katulad ng REBOOT function at iba pa.

Installing CXMB

Para saan ang CXMB?
-ang CXMB ay plugin para magamit ang mga custom theme para sa PSP.

1. Download ang tamang CXMB file para sa PSP mo.
5.00 m33
5.50 GEN
2. I-extract ang file, yung folder na CXMB lagay nyo sa root ng MEMORY STICK niyo, tulad ng nakikita niyo sa picture sa baba.

3. Buksan ang seplugins na folder mo, kung unang beses mong magiinstall ng plugin at wala kang folder na seplugins sa root ng MEMORY STICK mo, pedeng ikaw nalang ang gumawa. Gumawa ng bagong text file sa loob at irename, gawin mong vsh.txt
4. Idouble click ang vsh.txt at ipaste ang directory na ito, ms0:/cxmb/cxmb 1 . Isave.

5. I disconnect ang psp at pede mo nang magamit ang mga CTF na themes mo.

*Tandaan lamang na bawat firmware ay may kanya kanyang CTF themes. Hindi pwedeng gamitin ang 5.00CTF para sa 5.50 na firmware.